Pag-asa-文本歌词

Pag-asa-文本歌词

Akuma&Dj Rbk 811
发行日期:

walang sino mang sinilang ang hindi dumaan, sa pag subok, upang sukatin ang katatagan kahit silang mga mayaman na nabibili lahat ng kailangan at gusto talagang napapa-iyak magarang bahay may negosyo mamahaling sasakyan paaralan na pang mayaman at luho sa katawan meron namang silang tila hindi naa ambunan at patis at kanin lamang ang nilalaman sa tiyan kahit anong pag sisikap ang gawin tila malabong makaraos problema ay hindi matapos tapos baon na sa utang at wala ng malapitan tanging patalim na lamang ang nakakapitan imbis na sisihin ang mundo sa nangyayare sa buhay na para bang lahat ay imposible lumapit ka sa di magagawang manabla malalabanan mo ang buhay ng walang pangamba kung pakiramdam mo'y masyadong mailap ang pag asa tumitingala na lamang sa kalangitan at nag aabang sapagkat alam kong ika'y nariyan ako'y ginagabayan hinding hindi mo pababayaan sa laban magpa kailanman nagsosoot ka ng may naka sulat na never give-up pero sayo mismo dumapo ang eksenang kay saklap nasibak ka sa trabaho dahil di maganda ang timpla ng amo mo at nabunot ka niya saktong bayaran pa naman ng renta sa bahay at kuryente paano na lahat sila sayong naka depende kailangan mo ng pera para magkapera ka kailangan mong gumastos para may pang gastos ka ang kapalaran nga naman talagang sobrang mapag biro sumasakto sa plano mong madalas na bibigo pilitin mang takasan o iwasan man lang ngunit parang anino na palagi kang sinusundan madalas mag sabong ang problema riot ng mga delubyo kaya may mga oras na sinubukan mong mag bisyo ngunit wala kang napala mas lalo ka lang nadapa paulit-ulit na hndi ka parin nadadala kung pakiramdam mo'y masyadong mailap ang pag asa tumitingala na lamang sa kalangitan at nag aabang sapagkat alam kong ika'y nariyan ako'y ginagabayan hinding hindi mo pababayaan sa laban magpa kailanman handa ka niyang pasanin kapag ika'y pagod na handang punasan at pahiring ang luha sa mga mata handang akayin, pag ang daan masyado ng malubak handang pigilan at pawiin ang pawis sa pag patak upang hindi ka na mahirapan siya ang tanging sandigan sa gitna ng kadilima'y ibulong ang kanyang pangalan lalagyan niya ng tapang ang puso mong puno ng takot at iwawaksi ano mang galit at ang poot walang patid man ang pag subok ika'y pinagpapala siya'y nasa yong tabi kaya di dapat mabahala sapagkat, pananggalang siya sa ano mang unos ng buhay sa abong mga sandali siya ang nagbibigay ng kulay kakampi mo sa bawat laban, hindi ka iiwanan ng amang lumikha siya ang lakas sa kahinaan at gaano man kadami ang dala ng iyong kamay na tumakip sayong mukha siya ang magsisilbing gabay kung pakiramdam mo'y masyadong mailap ang pag asa tumitingala na lamang sa kalangitan at nag aabang sapagkat alam kong ika'y nariyan ako'y ginagabayan hinding hindi mo pababayaan sa laban magpa kailanman kung pakiramdam mo'y masyadong mailap ang pag asa tumitingala na lamang sa kalangitan at nag aabang sapagkat alam kong ika'y nariyan ako'y ginagabayan di man nakikita, ngunit lubos na nararamdaman hinding hindi mo pababayaan sa laban magpa kailanman