I.
Hindi na pwede, tulad ng dati
Anong nangyari? Hindi masabi
Ba’t ba tayo umabot dito?
Saan patungo pintig ng puso
Refrain I:
Lagi kang panaginip
Makapiling ka sa bawat sandali
Chorus:
Walang saysay ang pagmamahalan
Walang saysay ang lahat
Walang saysay mabuhay mag-isa
Walang saysay
II.
Anong nagbago? Biglang naglaho
Tila napaso ang mga puso
Dating ngiti ngayo’y hapdi
Ang mga sulat puno ng sugat
Refrain II:
Lagi kang nasa isip
Makasama ka sa bawat sandali