Pag-ibig na Dakila (Batay Sa 1 Cor 13:1-13)-文本歌词

Pag-ibig na Dakila (Batay Sa 1 Cor 13:1-13)-文本歌词

Richard Lagos&Angel Quianzon-Echevarria&Alarica Joven&Karla Ocampo&Christine Cuevas
发行日期:

Ako ma'y makapagsalita ng wika ng anghel Kung wala naman akong pag-ibig, Ay para lang akong batingaw na walang saysay Ako ma'y makapagpahayag ng Salita ng Diyos Ang hiwaga man ng mundo'y malaman kong lubos Kung wala naman akong pag-ibig, walang saysay Ang pag-ibig ay matiyaga, hindi ito mapagmataas Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiis hanggang wakas Kailan man ay hindi ito kukupas, kailan man ay hindi magwawakas Pag-ibig ay walang hanggan, mananatili magpakailanman Kung ako ma'y maging mapagbigay, at maging buhay ko ay maialay Kung wala naman akong pag-ibig Walang saysay Noong ako ay bata pa, salita't katwiran ko'y tulad ng bata Ngunit ngayon ako'y may sapat na gulang na Naunawaan kong lubos, dakila ang pag-ibig nya Ang pag-ibig ay matiyaga, hindi ito mapagmataas Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiis hanggang wakas Kailan man ay hindi ito kukupas, kailan man ay hindi magwawakas Pag-ibig ay walang hanggan, mananatili magpakailanman Kailan man ay hindi ito kukupas, kailan man ay hindi magwawakas Pag-ibig ay walang hanggan, mananatili magpakailanman