Wala s’akin makakatinag at Hindi mo makikitang nahihirapan. Sa dami ng aking pinagdaanan, Mga galos, sugat ay di alintana. Akala mo leon sa kagubatan, Na walang inuurungan, Handang lumaban. Di makikita na merong kagitgitan, Pagkat sarili lang palagi ang kalaban, yeah. Kung para sa iba ito’y hagdan, Madaming tatapakan para may mapuntahan. Ang galawan ko’y malayo sa ganyan, Saksi mga kaibigan ngayong nasa unahan. Sino ang pwedeng humadlang? Ako’y tapos na sa pormahan, Payabangan, sulatan. Walang dapat patunayan, Kayang-kayang tayuan. Yeah, I started from the bottom, I ain’t stopping for no man. Matagal na sa laro, Napagod nang humabol s’akin ang mga bano. I done planted my seeds, you an industry plant. Already got my flowers, you still tryna be the man. All my haters, they be doubting, But won’t admit they thought about it. Tulog, di na nagawang gumising, Puro luto ng pangarap, hindi nagawang ihain. Wala s’akin makakatinag at Hindi mo makikitang nahihirapan. Sa dami ng aking pinagdaanan, Mga galos, sugat ay di alintana. Akala mo leon sa kagubatan, Na walang inuurungan, Handang lumaban. Di makikita na merong kagitgitan, Pagkat sarili lang palagi ang kalaban, yeah. Kalaban, yeah, yeah. Di maunawaan, Wala tong kagitgitan. Sarili lang ang kalaban, yeah. Kalaban, yeah, yeah. Bago narating ’to, di mabilang pinaglaban. Baon kong pasensya, buti nagawang habaan. Maliit ’yung tsansa pero nagawang tamaan, Dinaanan, tila hindi magawang tawanan. Nagpatuloy lang ulit kahit pa nasugatan, Disidido talaga, malalim pinag-ugatan. Dulot ko mala-kape kung usapan ay mulatan, At kung makuha ko lahat, matik walang gulatan. Buhay maikli lang kaya laging susulitin, Pangakong isinulat, di ko pupunitin. Pitpitin man ’yung dila ko o kahit pilipitin, Kung maglapag laging sagad, di ko binibitin. Para sa sarili lang at para sa pamilya, Palagi kahit hindi na tumabo sa takilya. Kalmado na ’yung byahe ko kahit sa karera, Di makikipaggitgitan, tunay na mapera—hahaha. Wala s’akin makakatinag at Hindi mo makikitang nahihirapan. Sa dami ng aking pinagdaanan, Mga galos, sugat ay di alintana. Akala mo leon sa kagubatan, Na walang inuurungan, Handang lumaban. Di makikita na merong kagitgitan, Pagkat sarili lang palagi ang kalaban, yeah. Kalaban, yeah, yeah. Di maunawaan, Wala tong kagitgitan. Sarili lang ang kalaban, yeah. Kalaban, yeah, yeah.