Halika mahal ko at samahan ako
Lakbayin ang buhay nating ito
Huwag kang mag-alala dahil ako
Ay kasama mo hanggang sa dulo
Samahan mo ako.
lynn:
Ikaw ay palaging nasa aking puso
Buhay ko ay para lang sa iyo
Kaya't huwag mangamba aking sinta
Mahal kita maniwala ka
Ikaw lang at wala ng iba.
koro:
SAMAHAN MO AKO MAHAL (Hawakan mo ang aking kamay)
SAMAHAN MO AKO MAHAL (At tayo ay maglalakbay)
SAMAHAN MO AKO MAHAL (Sa mundo natin na makulay)
WALANG KATAPUSAN ANG BUHAY
WALANG HANGGAN ANG PAGMAMAHAL.
ADLIB:
dondan:
Huwag nating sayangin ang bawat oras
Ito'y mahalaga aking mahal
lynn:
Tayo ay magtiwala sa isa't-isa
Ikaw lang ang mamahalin
Maniwala ka sana sa akin.
coda:
SAMAHAN MO AKO MAHAL (Hawakan mo ang aking kamay)
SAMAHAN MO AKO MAHAL (At tayo ay maglalakbay)
SAMAHAN MO AKO MAHAL (Sa mundo natin na makulay)
WALANG KATAPUSAN ANG BUHAY
WALANG HANGGAN ANG PAGMAMAHAL
SAMAHAN MO AKO.