Isang araw ako'y naglayas
Iniwan lahat, pati ang pangarap
Buhay ko ay puno ng ligaya
Akala ko ay walang hanggan ang saya
Dumating ang hirap, sikmura ay dumadaing
Buhay ko ay puno ng suliranin
Sa dulo ng sakit,
ako ay nagpasya
Babalik sa Ama
at magpapakumbaba
Oh Ama patawad sa aking nagawa
Ako'y nagkasala ako'y nagbalik na
Hangad ko ay kapatawaran Mo
Pag-ibig Mo sa akin ay tapat at totoo
Tinanggap Mo ako, pinatawad ang sala
Pinawi ang pait, puso'y napuno ng saya
Isang handaan, Iyong inihanda
Para sa anak Mong sa'Yo'y nagtiwala
Oh Ama patawad sa aking nagawa
Ako'y nagkasala ako'y nagbalik na
Hangad ko ay kapatawaran Mo
Pag-ibig Mo sa akin ay tapat at totoo