Silakbo-文本歌词

Silakbo-文本歌词

Cup of Joe
发行日期:

Magpapalunod ba sa dilim

O titingin sa mga bituin

Tutulugan ang gabi

O ito’y aangkinin

Ipapabukas ko na lang ba ulit

Siya na lang bang magdidikta

Ng aking pulso at paghinga

‘Di alam ang gagawin

Gulo ba’y haharapin

Tatakbo o dapat bang tiisin

Dahan-dahang kumawala

Sa kapit na dinadala

‘Di na magpapaakit pa

Sa kapit ng ‘yong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo

Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok

‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos

‘Pag nasugat ‘wag pigilan ang silakbo

Naaarawan na ang sakit

Umagang tila nanlalambing

Ako’y babangon na muli

Nang hindi nakapikit

Tumatamis na ang lahat ng pait

Dahan-dahang kumawala

Sa kapit na dinadala

‘Di na magpapaakit pa

Sa kapit ng iyong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo

Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok

‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos

‘Pag nasugat ‘wag pigilan ang silakbo

Oh, oh, oh

Oh, oh, oh

‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos

‘Pag nasugat ‘wag pigilan ang silakbo

Mga silid sa bahay ng ating damdamin

‘Di na muling papatinag sa dilim

Lalakasan ang himig ng mga salamin

Palayain mga sigaw sa dingding

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo

Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok

‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos

‘Pag nasugat ‘wag pigilan ang silakbo

Oh, oh, oh

Oh, oh, oh

‘Wag na tatalikuran ang bigat ng unos

‘Pag nasugat ‘wag pigilan ang silakbo