Bitbit ko parin yung gigil ka na ngayon nandito na
sipag tiyaga na tila parang nagsisimula
di na pwedeng umayaw buhay na ang itinaya
kahit daming suliranin di parin ako nagpabaya
salamat sa mga taong sakin ay tumaya
nung mga panahon na ako pa ay walang wala
Di ko akalaing magkakaganto takbo ng isipan at ng buhay ko, parang dati lang ay nasa hukay na pero buti tinuloy ko parin hilig ko, ngayon dama na nila yung himig ko, kilala na tinig ko, lagi sumasagi sa isipan ko nasan kaya ko kung diko ipinilit to
malamang nandun parin, kalsadang malagim, di parin alam kung anong gagawin, gagawin lahat para di masaid, galaw ilegal kahit na masakote, paboritong usok ay yung nasa bote, di na mahalaga kung nakakabuti, kailangan ko lang nang makakapitan sa tuwing naliligaw aking isipan
yeah di nila alam itinaya ko buhay ko para ulit makapag simula, patunay to na pwede paring merong mapala isip na pa ikot ikot dati't napariwara
kala ko noon ay mawawala ko ng maaga sa mundo dalas mag-alala
buti nalang ay malupet parin na magdala kahit na bigat palagi ang aking dinadala
Bitbit ko parin yung gigil ka na ngayon nandito na
sipag tiyaga na tila parang nagsisimula
di na pwedeng umayaw buhay na ang itinaya
kahit daming suliranin di parin ako nagpabaya
salamat sa mga taong sakin ay tumaya
nung mga panahon na ako pa ay walang wala
bago ako makilala pagkato ko ano ba dati?
sino sino mga kakilala ano paborito kong gawain?
sino ba ang naging kadikit nakasama sa hirap man o sakit, ang lahat diko pa nakalimutan
makinig saglit sa kwentuhan, mga batang palaboy lang nung una, pero naging milyonaryo yung lugar ko dyinadyaryo, sa kanto nakikipag rayot kami madalas sa mga hayop
pa ikot ikot sa kalsada sa labas loob at habang napapasarap lahat hindi namamalayan yung kasalanan ay dumadagdag bigat na parang sobra na kayo kailangan nyo nang pagbayaran yeah
magkasunod na taon magkasunod na kaibigan
di ko alam bakit ganon simula non ay pinag isipan ang hakbang palayo pati ang plano, sakay na ng eroplano