Verse 1
Sa tuwing ako'y naglalakad sa aming lugar
Mata ng iba'y nanlilisik at bulgar.
Ang iba'y may dala elect fan at kama
Diko mawari kung saan nila ito idadala?
Verse 2
Ang kapitbahay ko bagong pulis sa kanto
Nakapagtataka ang pera nya kinikilo
Apat ang sasakyan lahat kami niyabangan
Ano ba ang dahilan at bakit biglang yumaman
Refrain
Nagkalat ang palito ng posporo
Sa kalsada mga bata'y naglalaro
Ngunit bakit mga magulang ng mga to
Nasa bahay kulob na kulob at selyado
Ganyan ba talaga kapag pinasok ka na
ng puting usok at parang kaluluwa
Chorus
Ako ay nakakita ng isang bangka
Habang ang iba'y nakatayo at tulala
May nanginginig ngumingiwit nagsasalita
At laking gulat ko may Apoy sa ilalim ng bangka.
Verse 3
Labas pasok sa bahay ni Pulis sya ang bantay
Iba't ibang mukha araw araw may pinapatay.
Normal na lang ang tunog kwarentay singko't kalabog
Hindi nagkabayaran pinaslang dahil may utang
Verse 4
Itong anak ni nena na dalaga
Kanyang ibinenta kapalit ay droga.
Sumisigaw ang dalaga sabi maawa ka
Habang itong si Nena ay nakahawak sa bangka.